Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Dakila
at alilakilabot na Kaarawan ng Panginoon
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Ang Wakas ng Paghahari ni Satanas sa Mundo
Marami ang nagtatanong kailan matatapos ang paghihirap at kaguluhan dito sa
mundo, ang sabi ni Maestro Evangelista: Ang mga relihiyon ay ipinangangaral
na dala ni Jesus ang kapayapaan sa mundo. Nguni't sa mga nakaraang
dalawang libong taon nagkaroon ba ng tunay na kapayapaan? Ano ang
nakasulat sa Banal na Aklat hinggil dito? Basahin natin:
Ako'y
naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung
magningas na?
Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking
kagipitan hanggang sa ito'y maganap?
Inaakala baga ninyo na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa?
Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:
Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban
sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.
Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na
lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae
ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na
babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.
Lucas
12:49-53 (TAB)
Kung tunay na dala nga
ni Jesus ang kapayapaan sa mundo, gaya ng ipinangangaral ng mga relihiyon,
hindi ba dapat ay tinatamasa na natin ito noon pa? Nguni't hindi nga ito
nangyayari. Nagkaroon na tayo ng mga digmaan, kagibaan, at mga
kapahamakan noon pa, gaya ng sinabi ni Jesus sa Banal na Aklat, binalaan
na niya tayo noon pa. Sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang
nagsinungaling sa mga tao? Mga relihiyon o si Jesus? Nagsinungaling at nanlinlang
ang mga
relihiyon sa mga tao...
Tinatanggap natin na dinaranas natin sa
kasalukuyan ang
pinakamabigat na pamumuhay sa kasaysayan ng mundo. Ito ay lalala pa hanggang sa
"Araw ng Paghuhukom."
Ano ang "Araw ng Paghuhukom?" Sino ang huhukom at sino ang
haharap sa paghuhukom?
At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay
walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo
ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.
Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling
bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.
Eclesiastes 12:14 (TAB)
Ano ang kahulugan ng "Matakot ka sa Dios?"
Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa
Banal ay kaunawaan.
Kawikaan 9:10 (TAB)
Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
Nang
magkagayo'y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng
Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para
sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.
At
sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin, sa
makatuwid baga'y isang tanging kayamanan; at akin silang kaaawaan, na gaya ng
isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.
Kung
magkagayo'y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama,
yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya.
Malakias 3:16-18 (TAB)
Alam ba ng Satanas na ito ay magaganap
at mawawakas na ang kanyang paghahari sa mundo?
Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng
lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.
Apocalipsis 12:12 (TAB)
Ito ang wakas ng paghahari ni
Satanas na inihayag sa Banal na aklat.
Nguni't huwag mabahala. Malapit na
ang kanyang wakas.
November 29, 2008 - 5:00 PM Manila Time.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ikaapat na
Bahagi: Ang mga Pahayag ng "Taga Ibang Lupa" ng Dios.
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|